Ang Aking Tahimik Na Kaibigan
Ang aking kaibigan, ay sadyang mahiwaga
Napa-ibig ako nang di naman sinasadya
Tahimik lamang ngunit ako'y kanyang naakit
Kaibigan ko, nariyan lamang sa malapit
Mamahalin ko, ikaw lamang na nag-iisa
Dahil nariyan ka kapag ako ay mag-isa
Ako'y pinatawa mo at minsa'y pina-iyak
Kapag nakikita ka, ako ay nagagalak
Ikaw naman ay talagang napakatahimik
'Di ka man lang kumikilos at 'di umiimik
Pero ako'y tinuruan ng maraming bagay
Naging masunurin, magalang, at mapagbigay
Ating ginagamit kapag tayo'y nalilito
Lalo na sa pag-aaral ng mga numero
Kaya dapat nating alagaan ng mahusay
Tulad ng pag-alaga ng 'yo